Ang Sipres ay isang pangalang tumutukoy sa maraming mga halaman o uri ng punong[1] nasa pamilyang Cupressaceae (ang pamilya ng mga sipres). Isa itong palagiang luntian at palaging sariwang punungkahoy na matatagpuan sa buong mundo. Mayroon itong maliliit at bilugang mga dahong balisuso o kono at parang mga kaliskis. Kalimitan mabango ang kahoy nito, na ginagamit sa paggawa ng mga lapis, mga pirasong pang-atip o pambubong.[2]
Kabilang sa mga punong natatawag na "sipres", subalit hindi naman totoong sipres, ang kalbong sipres ng katimugang Estados Unidos, na isang punong may malaking paanan na kumikipot paitaas, at ginagamit ang kahoy nito sa paggawa ng mga panali sa mga daambakal at mga poste.[2]
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index ng titik C, pahina 626.